Dugompinoy Meets Bumblebee

Hindi ako makapaniwala na nakita ko na sa personal ang pinakagusto at pinapangarap kong sasakyan, Camaro 5th generation. Sino ba ang hindi nakakakilala sa sasakyang ito na gamit ni Bumblebee bilang kanyang palit-anyo sa pelikulang Transformers? 



Eto na siguro ang pinakamalapit na ekwentro ko sa saksakyang ito. Noong isang taon nakita ko lang pulang 2010 Camaro sa kahabaan ng Edsa, mabilis at malaki ito kumpara sa mga ibang sasakyang nakabalandra sa kumpol-kumpol at kade-kadenang trapik sa nasabing lugar. 


Sa ibaba ay kung hindi ako nagkakamali ang Camaro 1st Generation. At ginamit din ni Bumblebee sa unang pelikula ng Transformers bago siya naging 5th geneation Camaro.



Napapaisip talaga ako kung kailan ko maida-drive ang ganitong uri ng sasakyan at kung sinu-sino ang aking mga magiging unang pasahero.  Hehehe.

Kaunting kaalaman lang tungkol sa pinakabagong edisyon ng Camaro:

Noong 2009 ay inilathala ng GM Corp. na magkakaroon ng "Transformers Special Edition" ang sasakyang ito para sa Camaro 2010.


Mga ilang larawan ng isang 2010 Camaro Transformers Special Edition.





See Link: http://www.conceptcarz.com/vehicle/z17165/Chevrolet-Camaro-Transformers-Special-Edition.aspx

 Limited and edition na ito na bilang ay nasa mga 1500 units. Sayang hindi umabot ang ipon ko sa deadline at supply. :D May next time pa naman siguro.  Mura lang naman daw ang ganitong sasakyan na binibenta dito sa Pilipinas ng car dealer na The Covenant Car Company, mga higit-kumulang sa tatlong milyong piso. Ilang sweldo rin ang hihintayin ko, ilang lunch breaks din ang palalampasin ko at ilang pamasahe din and isasakripisyo para maipon yun. Good Luck na lang sa akin.

 





No comments