Bakit Pizza Lagi?

"Good job guys, we're happy to inform you that we hit our goal for
this month! Don't be absent tonight we have a surprise treat for you!"
Ganyan madalas ang opening spiel ng mga natutuwang mga boss, good job.
At madalas una sa listahan ng pang-treat sa mga magagaling na super
agent ay pizza. Kung agent ka malaki ang tsansa na nakakain ka na ng
libreng pizza mula sa mga boss nyo.

Ganyan kasi madalas sa mga call center companies na napuntahan ko,
kung gano kadalas ang ispageti sa mga children's party ay sya rin ang
dalas ng mga pizza sa hapag ng mga call center office. Taka lang ako
kung bakit, kadalasan ay hindi naman sya mura. Ganunpaman ay
nagpapasalamat ako sa mga boss namin na nagbigay ng panahon at pera
para ilibre kami ng pizza.

Maaaring iba ang mga karanasan mo bilang isang ahente pagdating sa mga
handaan sa opisina, maitanung ko na rin ano ang pinakamasarap na brand
ng pizza ang naitreat sa inyo? Maluwag ang koment section para sa mga
tugon nyo. At liban sa pizza ano pa ang madalas na ipamudmod ng
kumpanya nyu kung may pagkakataon, pagkain lang ah? Taka lang ako.

At bilang pantapos, mas sumasarap pala ang lasa ng pizza kapag libre
kumpara kung ako ang bumili. Puna nyo rin?

No comments