May Bagong Book Na Pala Si Bob Ong

Ano na nangyayari sakin bakit hindi ko namalayang may bago na palang libro si Bob Ong? Noong December pa pala lumabas ang aklat na ito, lagi naman
akong online. Siguro ay dahil hindi ko masyadong nabigyan ng pansin
ang blog ko na to nung nakaraang buwan kaya hindi ako masyado
na-update sa bang Bob Ong bloggers and fans.

Lumayo Ka Nga Sa Akin - Bob Ong

Pero bakit kahit sa Facebook o sa Twitter wala man lang akong nabasang
nagpost about sa new book na ito? Either hindi ganun kasikat o kaapil ang
libro na ito o pare-pareho kami ng mga friends ko sa FB hindi nakaalam
tungkol dito, o siguro wala lang talaga naglakas-loob na mag-share. Sana mali ako.


"Lumayo Ka Nga Sa Akin" ang titulo ng bago at ika-siyam na Bob Ong book. Unang tingin sa libro ay aakalain mong pocket book ito ng Precious Hearts Romance. Kulay pink at may puso ang pabalat nito. Kung lalaki ka na mahilig magbasa ng mga aklat ni Bob Ong, magdadalawang isip ka malamang na basahin ito sa pampublikong lugar, sa tingin ko lang.

Makabili na nga nito sa lalu't madaling panahon, nang di masyadong
napag-iiwanan. At gaya ng ginawa ko sa Kapitan Sino, gagawan ko ito ng
book review. Makaliskisan nga itong bagong gawa ni Bob Ong at tignan
natin kung mas nakakaangat ito kaysa mga huling libro nya.

Heksayted na ang DugomPinoy na basahin ang bagong ni Bob Ong.


Related Post:  
-  May Libro Na Rin Pala Si Tado?
Kapitan Sino By Bob Ong (Book Review)

4 comments:

  1. Kung ako naman ang magbibigay ng komento, masasabi kong maganda ang bagong aklat na to. Sulit ang bayad mong Php175 kumbaga. Bob Ong na Bob Ong pa rin ang mga tirada, wala pa rin kupas ika nga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Day 1 palang nito sa mga bookstore nakabili na kagad ako. Kala ko nga wala nang lalabas na bagong libro e. Panalo to.

      Delete
    2. Congrats sayo, buti kapa day one palang meron na! :D

      Delete