Philippines, 8th Friendliest Country

Nakakatuwa naman at kinilala ang Pilipinas bilang pang walo sa mga
friendliest countries sa buong mundo ayon sa survey ng HSBC Expat
Explorer. Panibagong dahilan na naman yan kung bakit totoong "It's
More Fun In The Philippines."

Ayon sa Forbes.com ang survey ay ginawa sa pagitan ng Mayo at Hulyo 2011 na may halos apat na libong kalahok na mga expats na naninirahan sa 100 iba't-ibang bansa.


Pinangunahan ng New Zealand ang nasabing resulta na sinundan naman ng
Australia, South Africa, Canada, United States, Turkey, UK then sa
ika-8 ay ang Pilipinas. Ang mga bansa namang Spain, Malaysia, Brazil,
Italy, Mexico, Singapore at France ang sumunod sa hanay.

Sana magtuloy-tuloy na hanggang jackpot round ang pagkilala sa mga
magagandang katangian ng Pilipinas at ng mga Pilipino. May mga ilang
di magagandang imahe ang Pilipinas sa ibang bansa na hindi natin
maitatanggi gaya na lang ng pagtaguri sa NAIA na isa sa mga worst
airport sa buong mundo, lahat naman tao man o lugar ay may
kanya-kangyang bahid e, ang mahalaga lang e mas dapat mangibabaw ang
magagandang katangian ng bawat isa sa halip na dungis.

Binabati kita, Pilipinas!



Related posts:
-It's More Fun In The Philippines
-It's Official! Puerto Princesa Underground River Is Now One Of The 7 Wonders Of Nature

No comments