Warning: Ramgen-Janelle Facebook Virus

Kung may makikita kayong video daw nila Ramgen at Janelle sa Facebook, wag na wag ninyong iki-click dahil panibago na naman itong virus na ngayon ay kumakalat sa Facebook. Kamakailan lang ay dumami ang mga adult-themed photos sa Facebook at parang mga kabuti na nagsulputan sa mga wall ng kung sinu-sino nang hindi nila namamalayan.



Sa itaas ay ang screenshot ng tinutukoy kong video, galing mismo sa Facebook page ko. Ang nakakaasar pa ay nangta-tag pa ng mga friends. Wala akong kaalam-alam na ganun na pala nangyayari sa account ko.

Muli hwag pansinin ang nasabing link o video, kung makita ninyo na may ganung video o isa sa mga kaibigan ninyo sabihan kaagad siya dahil malamang hindi pa nya alam na inatake na siya. 

Dagdag tips lang, huwag basta-basta magclick ng mga kung anu-anong mga link sa Facebook o kahit saanman lalo na't kahina-hinala at very catchy. Mag-ingat din sa paggamit ng mga pambublikong computer o sa mga internet cafe shop. 


No comments