Pilipinas

Hindi kumpleto ang isang kumpanya kung walang soundtrack. Common yan sa mga pakulo ng mga pinoy mula sa theme song ng mga magsing-irog, mga commercial sa TV hanggang sa mga panliligaw ng mga pulitiko meron tayo nyan.  Halika sabay natin pakinggan, panoorin ang ilang mga kilalang kanta na may kinalaman sa Pilipinas .



1. Pilipinas, Tara Na!


Isa sa tatlong bersyon ng "Pilipinas, Tara Na! na isinapubliko noong Agosto 2011 ng Department Of Tourism. Ang music video na ito ay linahukan ng mahigit sa 50 mga kilalang mang-aawit at personalidad at nagpapakita ng mga tourist attractions ng Pilipinas. Madali kong nagugustuhan ang isang music video kung nagpapakita ito ng mga nagsasama-samang mga sikat na tao para sa iisang gawain, dahil dito nasusulyapan natin ang tunay na kahulugan at impluwensya ng pagkaka-iisa.



2. Bagong Simula written by Robert Labayen



Wala akong masyadong ideya sa kantang ito, madalas ko lang ito nakikita tuwing bago mag on air sa umaga at bago mag off air sa gabi ang ABS-CBN. Pinoy na pinoy.

Opisyal na kanta para sa Bayanijuan Foundation na itinatag ng Kapamilya Network noong panahon ng pagdiriwang ng ika 108 na kalayaan ng Pilipinas. Isa ito sa mga kantang isinulat ni Robert Labayen para sa Abs-Cbn. Gaya ng nasa unang video, mga sikat na mang-aawit ang mga kasali dito.

3. Take Me To The Philippines - Apl.De.Ap (of Black Eyed Peas)



Allan Pineda Lindo Jr a.k.a alp.de.ap ng Black Eyed Peas, isa sa mga pinakahinahangaan ko pagdating sa pagiging makabayan at pagiging proud sa pinagmulan. Kahit sa mga international album nila ay sinasama nya mga tagalog songs that tell what is life in the Philippines. This song and music video was created to promote tourism in the Philippines nang makipag-ugnayan si apl.de.ap sa Department Of Tourism.

Kung may isang katangian si apl.de.ap na naging dahilan para magkarespeto ako kanya, wala nang iba kundi ang kanyang pagmamahal sa bayang kinalakihan at mga kababayan. Minsan nakakalungkot lang isipin na meron pa ring mga tao na tuluyan nang kinalimutan ang pagiging Filipino o ang pinagmulan, masaklap pa minsan hayagan pa kung umasta. Masarap maging Pinoy may mga hindi man magagandang katangian ang Pilipinas at mga Pinoy ok lang, sino ba ang wala? Natutuwa ako kapag nakakakita o nakakakilala ako ng mga taong proud sa pagiging Pinoy.

4. Piliin Mo Ang Pilipinas sung by Angeline Quinto





"Piliin Mo Ang Pilipinas by Angeline Quinto and Vincent Bueno. Another song written by Robert Labayen the same guy who wrote "Bro, Star ng Pasko". This video aims to promote local tourism and features local destinations. Sobrang gusto ko ang lyrics ng kantang ito.

Ilan lang yan sa mga video na nagpapakita kung ano ang meron sa Pilipinas para sa mga pinoy na bakasyunista, simpleng Pinoy o maging para sa mga dayuhan. Sabi nga nila huwag maging dayuhan sa sariling bayan at hindi rin totoo na para lang sa mga mayayaman ang pag-enjoy sa mga yaman ng Pilipinas, ito ay para sa lahat kung gugustuhin. Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko munang galugarin ang kagandahan ng Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao bago ang mga international destinations. Sana kayo rin.

1 comment: