Piliin Mo Ang Pilipinas feat. El Gamma Penumbra

Maaaring huli na ako sa mga nakakaalam pero ngayong umaga ko lang talaga nakita sa TV ang video na ito. Naka-default sa ABS-CBN o Kapamilya channel ang telebisyon namin kaya pagbukas ko sakto sa screen ng TV ang "I Choose PHILIPPINES" phrase.




Nakipagkaisa ang Choose Philippines sa PGT finalist na El Gamma Penumbra para sa bagong music video ng Piliin Mo Ang Pilipinas ang kantang sinulat ni Robert Labayen. Si Labayen ay kilala sa mga sikat na awiting sinulat nya para sa Kapamilya network, isa sa mga isinulat nya ay ang "Bro, Ikaw ang Star ng Pasko".


Pinoy pride na maituturing ang El Gamma Penumbra dahil sa kanilang talento. Maging ang ABS-CBN, hanga ako sa network na ito dahil mas marami silang mga  ginagawang makabuluhang bagay at impluwensya sa kanilang mga manonood.

"Piliin mo Ang Pilipinas" is the Choose Philippine's campaign song and sung by Angeline Quintos and Vincent Bueno. Sa music video na ito, sa pamamagitan ng tinatawag na shadow play, ay ipinapakita ng El Gamma Penumbra ang iba't-ibang mga lugar, kuturang ipinagmamalaki ng Pilipinas, may mga tampok na hayop din gaya ng Butanding, Tarsier at Kalabaw. See the music video yourself if you haven't seen it before and tell us what can you say about it. Ako? Astig to, proud to be Pinoy and having the Philippines as my country! :D

Now I can't wait to see Department Of Tourism's version of their "It's More Fun In The Philippines" campaign music video.

Help Choose Philippines to complete the 7,107 reasons why people choose Philippines by registering on their website http://choosephils.com/ichoose/ you can also like their Facebook page at http://www.facebook.com/ChoosePhilippinesOfficial

No comments