Seven Reasons Why You should Work in a Call Center

Sa kasalukuyan tinatayang nasa halos kalahating milyon ang bilang ng mga nagtatrabaho sa call center o BPO industry sa ating bansa at inaasahan pang lalong lolobo ang bilang nito sa susunod na mga taon. Dahil sa bilang na yan bilyong-bilyong piso rin ang kinikita ng industriya sa bansa. Sa kabila ng panawagan ni Pangulong Obama na wag na lang i-outsource ang mga call center jobs sa ibang bansa e patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng mga bagong nagi-invest dito sa Pilipinas. Nagpapakita rin ang bilang na ito ng tiwala ng mga dayuhang kumpanya sa galing ng mga Pinoy pagdating sa ganitong larangan.



Sa dami ng graduates ngayong taon tiyak na marami sa kanila ay nagbabalak nang magtrabaho sa call center o maaaring isa ka sa mga gustong subukan ang buhay sa call center. Tignan natin ang ilang mga dahilan kung bakit sa call center tayo dapat magtrabaho.

1. Strong Industry. Karamihan sa mga kumpanya ay patuloy na nageexpand ng support that leads to mass hiring. Wala pa atang isang dekada nang una kong marinig ang tungkol sa Call Center Industry heto at kilalang-kilala na ang Pilipinas sa ganitong larangan hindi lang ng sarili nating bansa kundi maging ng buong mundo na nasa larangan ng negosyo at workforce outsourcing. Kung tatanungin mo ako kung hihina ba ang BPO sa bansa, sagot ko ay hindi pa sa panahon natin!

2. Above The Minimum na Sahod. Isa sa mga pinakauna sa dahilan natin kung bakit tayo magtatrabaho o nagtatrabaho. Dahil sa mga foreigner ang client at mga customer na susuportahan natin, at mga foreign company ang magpapasahod, malaki ang offered salary. Sa ngayon ang average earnings ng isang typical na call center agent ay pumapalo sa 20k kada buwan. Kung bumaba man ay hindi nalalayo at tiyak mas mataas pa ang iba depende kung gaano kagalante sa incentives ang mga kliyente at ang performance mo. 

3.  Comfortable Workplace. Nasa loob ka na ng opisina, kumpyuter lang ang kaharap mo aircon pa ang paligid mo. Para sa akin hanggat hindi ako nakabilad sa arawan habang nagwo-work matatawag kong komportable ang workplace ko.


4. Guaranteed Five Days A Week of Work.  Kumpara sa mga non-call center jobs karamihan ay kailangan mag-work ng anim ba araw kada linggo. Halos lahat yata ng mga kilala kong nagtatrabaho e isang araw lang sa isang linggo ang rest day. 


5. Miscellaneous Benefits. Bawat call center company at client o campaign ay may kanya-kanyang mga pakulo mula sa pagha-hire ng mga agent hanggang sa pagnagte-take ka na ng calls. Una diyan ang mga signing bonuses, libreng Gym falicities or membership, unlimited coffee and other beverages, meron pang libreng postpaid cellphone line, at mga Christmas Party na pabonggahan ng mga guests, mula sa mga artista, TV hosts hanggang mga sikat na banda. 


6. Promotions: Kung talagang trip mo ang magkaron ng pangalan sa kumpayang pinapasukan mo, galingan mo lang ang performance mo at tiyak na may kalalagyan ka sa susunod na baitang ng iyong call center career. Most of the time BPO companies are hiring and requiring more agents to work in the operations floor, so the more they hire the more they need leaders, the more they need the more chance of getting that position provided na may magagandang numero ka na maipapakita.


7. Friends: Hindi mawawala ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Higit pa sa monthly salary and reward ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Minsan pa ay mahigit pa sa pagkakaibigan ang nabubuo.


Yan ang mga naisip kong dahilan kung bakit ka dapat magtrabaho sa call center. Kung may maidadagdag ka pa o may mga nalaktawan ako, malaya kang maglagay ng comment sa ibaba. Gayundin sa mga may katanungan. 

2 comments:

  1. PAAno ako magkakaron ng self-confidence atska dapat ba FLUENT KA SA ENGLISH?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas maganda syempre kung fluent ka di ba? Pero base sa aking obserbasyon, as long as komportable ka magpahayag sa salitang ingles at kaya ka naman unawain ng mga banyaga sa pananalita mo e pwedeng pwede na yun. Neutral accent ba kung tawagin nila. :D

      Delete