Confessions of a Call Center Agent


Sa gitna ng kawalan may isang masayang tema ng tugtugin ang nagsimulang umalingangaw, isang awiting pamilyar sa aking pandinig. Ang kawalan ay unti-unting nagkaroon ng mga detalye, hugis, kulay at liwanag. Ang kawalan ay naging aking silid tulugan at ang kilalang tugtugin ay sa alarm pala ng aking cellphone nanggagaling.

New Divide by Linkin Park.

Sa oras na bumalik ang aking kamalayan sinipat ko saglit ang oras sa aking nag-iingay na telepono, 1:00am. Nagbiblink pa ang backlight. At napagtanto kong oras na pala ulit para maghanda at pumasok sa trabaho.

Dahil sa halos araw-araw ko na itong ginagawa, kahit iwan pa ang mga mata ko sa higaan, matagumpay kong narating ang kusina. Hinain at kinain ang pagkaing nakatabi na para sa akin.

Naligo. Nagbihis. Umalis.

Hinatid pa ako ng mga asong kalyeng nagtatahulan sakin na tila ba sinasabing... "Papasok ka na naman, male-late ka na naman!!!" Paulit-ulit.

Pagdating sa opisina, diretso na sa aking work station. Log-in sa computer... Pull up ng tools... Konting review kung may mga bago o pagbabago sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa akin trabaho bilang ahente.

Saktong 2:59am tinapik ko ang munting pindutan sa aking Avaya phone na may nakapangalang "Auto-in". Halos kasabay nun ang pagpasok ng pinakauna kong tawag sa araw na yun.

Pangkaraniwan na sakin ang masigawan, mamura o mapuri ng mga kausap ko sa telepono sa wikang banyaga. Sa iba ay ako ang pinakamalalang ahenteng nakausapa nila, sa ilan naman ako ang tagapagligtas nila. Paulit-ulit at paikut-ikot lang, parang color wheel.

Makalipas ang unang dalawang oras ng walang puknat na tawagan, usapan at paliwanagan, pansamantala akong naging malaya.

First 15-minute break.

Karamihan sa aking mga kasabayan ay yosi break ang tawag dito, sinasamantala ko naman ang pagkakataong ito upang umisang tasa ng kape para manatiling gising sa susunod na anim na oras ng trabaho.

15-min freedom is over.

Heto't haharapin ko na naman ang panibagong "wave of callers" sa pamamagitan ng Avaya at computer. Naalala ko tuloy ang nilalaro kong Plants vs. Zombies, parang literal na kinakain ang utak ko ng kasunod kong kausap. Irate of the day, most complicated and out of the world technical issue of the day, siya na talaga!

Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam nang senyasan ako ng butihin kung "Sup" (Supervisor) - 30 minute coaching session. Para sa isang ahenteng katulad ko na nasa uri ng account na para bang hindi nauubos ang mga tumatawag, ang tatlumpung munitong coaching session ay maituturing nang isang mahaba-habang kapahingahan, petiks kung sa salitang kalye.

Kalakasan at kahinaan ko bilang isang ahente ang tinalakay namin. Marami-rami rin akong narinig na mga papuri mula sa aking bisor, pero hindi mawawala ang ilang mga puna na nagawa ko sa aking mga tawag na nagawa ko sana ng mas maayos. Ano ang mga susunod na hakbangin upang dumami ang mga kalakasan kumpara sa mga kahinaan dinamay na rin, para sa akin naman to kung tutuusin lalo na kung nais ko talagang manatili sa aking trabaho at balang araw ay mapromote. Isiningit na rin ang mga ilang non-work related na usapan. Kantiyawan? Maaari. : )

Balik sa telepono... Sagot-tawag-tulong... Lunch break after 2 hours.

Matapos ang isang oras na lunch break, balik sa harap ng computer at telepono ang drama... Tawag-Sagot-Tulong ang mga sumunod na nangyari... ulit. 

Naging mabait sa'kin ang tadhana sa mga sumunod na oras. Magagaan na mga suliranin at sisiw na mga tanong ng mga magigiliw na caller ang mga naengkwentro. Bago pa matapos ang araw ko bilang ahente, ay may pumasok pang CSAT (Customer Satisfaction) survey para sa akin. 100%! 

Hindi lang ako ang naging masaya sa CSAT na yun, pati na rin ang sup ko ay tenga sa tenga rin ang ngiti. Dahil score ng mga ahente nya ay score din niya. Tinanung ko si Sup kung kaninong caller galing yung survey, "Kay Mr. Jones!" maikling sagot nya. 

Hindi sapat sa akin ang tugon niya dahil sa araw na ito ay apat na Mr. Jones na yata ang nakausap ko. Kung sinong Mr. Jones man yun, salamat sa kanya. 

Bawing-bawi ang buong walong oras na pakikipag-usap sa mga taong sa kabilang panig pa ng mundo nakatira. Nakaupo man at hindi pagod ang pisikal na katawan, kamusta naman ang utak at lalamunan? 

12:00pm, paborito sa lahat. Log-out. Mabilis pa sa alas kwatro'y nasa sakayan na ako at nag-aabang ng bus pauwi. 

Ang maganda sa ganitong oras ng aking pag-uwi ay watak-watak ang landas ng mga asong tagahatid ko sa madaling araw. 

Nood-nood ng tv, gala-gala sa internet, basa-basa ng mga kasalukuyang balita at update-update sa Facebook ang routine ko pag-uwi sa bahay, yan ay matapos kong lamanan ang aking tiyan na sa byahe palang ay kanina pa umaalma. Sa pagitan ng mga gawaing iyan ay ang pakikipagdaldalan sa mga magulang o mga kapatid ang nakapalaman, depende kung sino ang taong bahay sa kasalukuyan. May kahalo na ring tawanan yan lalo na sa mga paksang hindi naman seryoso dapat ang usapan. 

Hindi magtatagal ay tatawagin na ako ng aking matalik na higaan na siya namang kay hirap tanggihan, ngayon pa't ang talukap sa mga mata ko ay nagbibigatan na. 

At bago pa man ako dalhin ng antok pabalik sa kawalan, ang alarm sa aking telepono ay nakaset na ulit sa one.

COMMENTS

Name

acer,6,alcatel,12,anime,8,apple,63,Apps,125,asus,208,blackberry,22,blackview,8,Books,11,BPO,22,braven,1,cars,24,Cherry Mobile,149,Christian,3,Cloudfone,16,concert,8,convergys,3,davao,2,dell,5,Ding Ding Mobile,5,DOT,1,edsa,1,ekonic,1,Elephone,1,Entertainment,3,Events,45,facebook,42,firefly,18,flash,2,food,38,games,122,geek stuff,210,gigabyte,1,gionee,7,globe,54,Google,42,happy mobile,5,help,6,hillsong,4,home credit,1,hp,4,htc,23,huawei,49,humor,2,iFlix Philippines,17,infinix,1,instagram,1,internet,13,ios,56,iphone,21,JBL,1,jobs,6,kata,5,lazada,49,lenovo,34,LG,68,lumia,11,marvel,7,meizu,18,memes,1,microsoft,33,mmff,3,monday,1,motion posters,2,motorola,21,movies,440,MSI,1,music,14,myphone,68,Nexus,1,nikon,1,nintendo,4,nokia,59,O+,14,olympics,2,oneplus,10,oppo,86,OS,1,palawan,1,palit,1,paymaya,20,People Power,1,periscope,1,Personal,11,phab,1,phablet,20,Philippines,13,photos,20,pinoy pride,22,planetshakers,2,pldt,4,Pokemon,21,posters,68,power mac center,8,powerbanks,1,press release,50,prestigio,1,pro,1,promo,22,random stuff,59,Reviews,9,samsung,240,sandisk,1,scandal,1,selfie camera,2,series,26,shopee,1,SKK Mobile,45,Slogan,1,smart,173,Smart Postpaid,1,smartphone,412,smarttv,3,smartwatch,17,song,3,sony,19,sports,11,spotify,6,Starbucks,24,Starmobile,47,sun cellular,5,tablet,67,teaser,14,tech,6,technology,2107,tek pone,2,text,4,Throne of Atlantis,1,tips,5,tizen,2,Tizen OS,1,torque,6,Tourism,1,Toys,12,trailers,186,transformers movie,1,travel,28,tutorials,4,TV,79,TV Series,7,tv5,1,twilight saga,1,twilight short films,1,twitter,14,Uber Philippines,1,ubuntu,1,Unboxing and Reviews,33,video,111,viral,7,virus,1,vivo,16,Windows,51,worship,5,xiaomi,25,Xperia,4,yamaha,14,ZTE,11,zz,3,
ltr
item
DugomPinoy | A Philippine Blog: Confessions of a Call Center Agent
Confessions of a Call Center Agent
http://1.bp.blogspot.com/-HGtQrdZjwg0/USl_9inM6GI/AAAAAAAAB1w/R9QFEjdDrvc/s320/Pinoy+BPO.jpg
http://1.bp.blogspot.com/-HGtQrdZjwg0/USl_9inM6GI/AAAAAAAAB1w/R9QFEjdDrvc/s72-c/Pinoy+BPO.jpg
DugomPinoy | A Philippine Blog
http://www.dugompinoy.com/2013/02/confessions-of-call-center-agent.html
http://www.dugompinoy.com/
http://www.dugompinoy.com/
http://www.dugompinoy.com/2013/02/confessions-of-call-center-agent.html
true
2611784361054767864
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy