Google Adsense Ads Now Supports Filipino Content


Maraming mga kababayan nating blogger ang matutuwa sa pinakabagong balita ngayon galing sa Google. Ang Google Adsense ay suportado na ang wikang Tagalog o Filipino. Ibig sabihin, ang mga website at blog na nakasulat sa salitang Filipino ay pwede nang lagyan ng Adsense ads upang kumita ng pera ang mga may ari at nagpapatakbo ng mga blog na ito mula sa mga advertisement na nanggagaling sa Google.

Isa na naman itong magandang dahilan upang ipagpatuloy ang hilig mo sa pagba-blog at pagbabahagi ng iyong mga adventure, kaalaman at opinyon gamit ang wikang komportable ka, habang kumikita ng pera galing sa Google Adsense. Isa sa mga hindi nagustuhan ng mga Pinoy blogger ay ang hindi pagakakasali ng wikang Filipino sa mga suportadong lengwahe sa Adsense, ngunit ngayon, iyon ay nagbago na.

Nararapat lamang na kasama ang Filipino sa programang ito ng Google, hindi lang dahil parami nang parami ang mga Pinoy na nag-iinternet sa loob at labas ng bansa, kung hindi parami rin ng parami ang mga Pinoy na gustong maglunsad ng kanilang mga blog sa wikang Tagalog.

Kung ikaw ay may blog at gusto mong maglagay ng Google Adsense upang kumita sa pamamagitan nito, puntahan lamang ang source link sa ibaba para makakuha ng dagdag na kaalaman sa programang ito at kung papaano makapagparehistro at makapagsimula. O kung ikaw naman ay kasalukuyan nang miyembro ng Google Adsense at my blog na rin na tumatakbo, pwede ka nang maglagay ng Adsense codes sa mga Tagalog mong post o pwede ka nang gumawa ng mga bagong artikulo sa salitang Filipino. Hindi na bawal!

Source: Adsense Insider

No comments