Katapusan Na!

Katapusan na ng Enero para sa taong 2012, ano ang meron para sa araw
na ito? Sahod ba? O may syota ka na para sa nalalapit na Valentine's
Day?

Parang kagabi lang nung tinitira ko ang medya-noche namin at nung
nagpaputok ako ng picollo na minsan ko lang sinubukan nasita pa. Bukas
nasa ikalawang buwan na kagad tayo ng taong dalawang libo at labing dalawa,
excited ka na ba sa mangyayari sa December 21, 2012?

Kung may ikinae-excite man ako sa petsang iyan, iyan ay ang release ng
aking Christmas bonus.

Ang New Year's Resolution nasa hulog pa ba o hulog na naman? Binabati
kita kung hanggang ngayon ay seryoso ka pa rin sa kung ano man yan at
hindi ka pa nagdadalawang isip na talikuran yan. Patuloy lang kapatid.

Ano na nga ba ang mga mahahalagang nangyari sa loob ng nakalipas na
tatlumpung araw? Mas nagtrend ba sa Twitter ang It's More Fun In The
Impeachment Trial kaysa sa ... In The Philippines? O aware ka ba na
nagkaroon ng malawakang online protesta against sa SOPA at PIPA na
nilahukan ng mga internet giants gaya ng Google at Wikipedia? Kung
hindi ka pamilyar sa mga term na yun, malinaw na hindi yan upuan at
pangdaigdigang paligsahan ng saker, paki google na lang po para sa
dagdag na kaalaman.

Kung may nalaktawan ako na sa tingin mo ay karapat-dapat na banggitin,
binibigyan kita ng kalayaang magpost at ibahagi sa koment sekyon.
Mahalaga sa'min ang iyong sasabihin.
Sana may kwenta ang mga sinabi ko kung meron man. Hanggang sa muli. -
DugomPinoy.

No comments