Lunes

Monday means back to work. Kung hindi lang talaga kailangan ng work
malamang lahat walang work, puro papetiks mode na lang.

Mas masarap mag spend ng time with the family. Kaso hindi naman pwede ang ganun.

Minsan naisip ko sana lahat na lang ng tao mayaman para hindi na
kakailanganin maghanapbuhay, lahat puro enjoyment na lang ang
inaatupag. Kaso hindi rin pala pwede ang ganung kalagayan, dahil kung
mayaman na ang lahat, sino na lang ang magbibigay ng serbisyo kung
lahat ay may pera at pare-parehong gustong pagsilbihan?

Sino na lang ang gagawa ng paborito mong gadget?

Sino na lang ang gaganap sa paborito mong tauhan sa mga teleserye?

Sino na lang ang magmamaneho ng jeepney para ihatid ka sa paaralan
kung lahat ay gustong sila ang ipagmaneho?

Sino na lang ang magtatrabaho?

Ngayon naunawaan ko na kung bakit may mga boss at may mga empleyado.
Ano na lang ang kalalagyan ng isang economiya kung lahat ng tao ay
puro mga amo at mapepera at walang gustong maging empleyado.

No comments