Send Text Message For Free Via Smart Collect Text

Kung Smart subscriber ka at gusto mong makatipid sa pagtetext o makalibre sa pagsend ng text messages, pwede mong gamitin ang bagong service ng Smart na maaaring hindi mo pa alam, ang Smart Collect Text.

 Para sa lahat ng Talk N Text at Smart subscribers postpaid man o prepaid, pasok ka. Simple lang ang mekaniks magsesend ka ng text sa katext mo tapos hindi ikaw ang magbabayad sa text na sinend mo, kundi ang pinadalhan mo ng text.

Para gamitin magdagdag lang ng number na "44" sa unahan ng phone number na sisendan mo ng text message. Halimbawa: "Pare kamusta ka na?" then send to 4409191234567. Ganun lang. Ngayon ang makakatangap ng text mo ay pwedeng i-accept o i-decline ang collect text mo, pag accepted mababasa nila text mo at mababawasan load nila ng piso. Piso din pag nagreply sila sayo. Kung i-decline ang collect text mo makakatanggap ka ng notification tungkol dito.

Tandaan na kailangan mo lang ng maintaining balance na piso para makapagtext.

No comments