Temple Run To Hit Android Market on March 27

Temple Run, ang larong kinaaadikan ng napakaraming iOS device users ay sa wakas magiging available na rin sa Android Market na ngayon ay Google Play na. So far this addictive game has been downloaded for more than 40 million times since it became available in the iTunes store.


Kung ikaw ay isa sa mga Android OS users na matagal nang naghihintay ng Android release ng game na ito, i-set mo na ang calendar mo sa March 27. Ang maganda pa nito, the game will be available for download at no charge. 

Here's what Imangi Studios Co-founder Keith Shepherd said on a press release, "We are excited to finally share the Android release date with our fans who have been so enthusiastic and supportive of Temple Run, by expanding to more mobile devices, we hope to provide the same addictive and fast-paced gameplay to an entirely new group of players."


February pa dapat ang unang release date nito for Android devices, na-delay lang for some reasons na ang Imangi Studios lang ang nakakaalam. Pero since official na ang annoucement, hintay na lang tayo ng konti at magkakaroon na rin tayo nito sa ating mga Android-powered phones and tablets. Kung may makikita kang Temple Run game na pwede nang i-download before March 27, wag muna i-download malamang fake pa yan at maaaring makasira ang ilan sa gadget mo.


Simple lang ang mechanics ng larong ito, tatakbuhan mo lang ang mga evil monkeys while avoiding obstacles and collecting coins.


Kung hindi ka pa pamilyar kung paano nilalaro ang game na ito, panoorin mo ang maikling video clip na nasa ibaba.


2 comments:

  1. Wow, I'm excited! Finally Temple Run on my Android!

    ReplyDelete